Vico Sotto at Catriona Gray, Nagka-followan sa Instagram; Netizens, Napa-"Ship" Agad!

Vico Sotto and Catriona Gray via Facebook
MANILA, Philippines — Uminit ang social media matapos mapansin ng mga netizens na nagka-followan sa Instagram sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Mula noon, marami ang nagsimulang i-“ship” ang dalawa.
Ayon sa mga netizens, bagay na bagay umano sina Vico at Catriona—parehong matalino, may prinsipyo, at may angking karisma.
“Silang dalawa ang tunay na definition ng class—at parehong mahusay magsalita sa publiko,” komento ng isang netizen.
May ilan namang nagsabing posibleng may proyekto si Catriona sa Pasig kaya siya nag-follow kay Vico. Matatandaang may condominium unit si Catriona sa lungsod na tinawag niyang "Casa De Gray."
Mukhang may bagong ‘power duo’ na sinusubaybayan ngayon ang mga fans!